Panukalang batas para bigyan ng P1,000 ang mga senior citizen na walang pension, itinutulak ni Sen. Pangilinan

By Angellic Jordan September 08, 2019 - 05:20 PM

Itinutulak ni Senador Francis Pangilinan na amyendahan ang kasalukuyang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Ito ay para mabigyan ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen na hindi tumatanggap ng pension.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Pangilinan na dapat kilalanin ang mga naging kontribusyon ng mga senior citizen para sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi ng senador na nasa mahigit tatlong milyong mahihirap na matatandang Filipino ang nakinabang sa naunang naipasang batas.

Ngunit, marami pa rin aniya ang hindi nakikinabang sa nasabing batas.

Iginiit din ni Pangilinan na hindi na sapat ang P500 para sa pang-araw-araw na gastuhin lalo na pagdating sa kanilang medikasyon.

Sinabayan pa aniya ito ng tumaas pang halaga ng mga pangunahing bilihin na hindi na kayang suportahan ng totoong halaga ng social pension ngayon.

TAGS: Pension, Republic Act 9994, Sen. Francis Pangilinan, senior citizen, Pension, Republic Act 9994, Sen. Francis Pangilinan, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.