Teroristang grupo na Islamic State, inako ang pagsabog sa isang palengke sa Sultan Kudarat

Inako ng teroristang grupo na Islamic State ang responsibilidad sa pagsabog sa isang pampublikong pamilihan sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng grupo na sila ang nasa likod ng pagtatanim ng improvised explosive device (IED) sa isang motorsiklo malapit sa palengke.

Ayon sa militar, ito na ang ikaapat na pagsabog sa nasabing lugar sa loob ng 13 buwan.

Aabot sa pitong katao ang nasugatan at nagtamo ng minor injuries sa insidente.

Read more...