CHR, kinondena ang pagsabog sa isang pamilihan sa Sultan Kudarat

By Angellic Jordan September 08, 2019 - 04:27 PM

Photo grab from CHR’s Facebook page

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsabog sa isang pampublikong pamilihan sa Isulan, Sultan Kudarat.

Naganap ang pagsabog sa harap ng isang pampublikong pamilihin malapit sa terminal ng mga habal-habal, Sabado ng umaga (September 7).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na ang pagsabog ay isang tahasang paglabag sa karapatan ng mga Filipino na mamuhay nang payapa.

Dahil dito, hinikayat ng CHR ang gobyerno na hanapin ang mga responsable sa pag-atake at tiyaking mapaparusahan ito dahil sa ginawang krimen.

Sinabi rin ni de Guia na dapat nang magpatupad ng solusyon para sa kapayapaan.

Hindi dapat aniya hayaang maipagpatuloy ang mga kaparehong karahasan sa bansa dahil walang dapat mamuhay nang may takot.

Samantala, nag-alay din ng panalangin ang CHR sa pitong kataong nasugatan sa insidente.

TAGS: CHR, isulan, sultan kudarat, CHR, isulan, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.