Metro Manila at ilang lugar, patuloy na uulanin
Asahan na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, Linggo ng hapon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:32 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Cavite, Batangas at Laguna.
Mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang General Tinio sa Nueva Ecija; Doña Remedios Trinidad at Norzagaray sa Bulacan.
Uulanin din ang bahagi ng General Nakar at Real sa Quezon; Abucay at Hermosa sa Bataan at Lubao sa Pampanga.
Pinayuhan ng weather bureau ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.