FEU, nagwagi laban sa UE sa iskor na 81-65

By Angellic Jordan September 08, 2019 - 03:51 PM

Nagwagi ang Far Eastern University (FEU) kontra sa University of the East (UE) sa UAAP Season 82 ng men’s basketball tournament sa iskor na 81-65.

Nagsimulang umarangkada ang FEU matapos alisin si Kris Pagsanjan ng UE sa third quarter dahil sa tinamong knee injury.

Dahil dito, lumaki na ang abante ng FEU sa UE.

Nakapagtala si Wendell Comboy ng 24 points para sa koponan ng FEU habang si LJ Gonzales naman ay nakagawa ng 14 points, 8 rebounds, 8 steals at 3 steals.

Ito ang unang panalo ng FEU sa pagbubukas ng bagong UAAP season.

Samantala, ang FEU ay mayroon nang 1-1 win-loss record habang ang UE naman ay may 0-2 win-loss record.

TAGS: basketball, FEU, Kris Pagsanjan, LJ Gonzales, UAAP Season 82, ue, Wendell Comboy, basketball, FEU, Kris Pagsanjan, LJ Gonzales, UAAP Season 82, ue, Wendell Comboy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.