Pagdinig ng Senado ukol sa provincial bus ban sa EDSA, itutuloy sa Martes

By Angellic Jordan September 08, 2019 - 03:51 PM

Sa pagpasok ng ‘Ber’ months, ipagpapatuloy na ang pagdinig ng Senado ukol sa panukalang provincial bus ban sa EDSA.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Senadora Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services, na kailangan ang lahat ng posibleng tulong para masolusyunan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bansa.

Huwag na aniyang hayaan na mas marami pang oras ang gugulin ng mga Filipino sa kalsada kaysa sa trabaho at pamilya.

Isasagawa ng Senate committee on public services sa pangunguna ni Poe ang pagdinig sa Martes, September 10, bandang 10:00 ng umaga.

Inaasahan namang dadalo sa pagdinig sina Transportation Secretary Arthure Tugade, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Martin Delgra III.

Posible ring makasama sa pagdinig ang mga lider ng ilang transport group.

TAGS: dotr, edsa, ltfrb, mmda, Provincial bus ban, sen grace poe, Senate committee on public services, trapiko, dotr, edsa, ltfrb, mmda, Provincial bus ban, sen grace poe, Senate committee on public services, trapiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.