Singaporean Pres. Halimah Yacob, nasa Pilipinas na

Nasa bansa si Singaporean President Halimah Yacob para sa isang state visit.

Araw ng Lunes, September 9, bandang 10:00 ng umaga ay magtutungo si Yacob sa Rizal Park sa Maynila para sa isang wreath laying ceremony.

Dakong 3:00 ng hapon naman ay inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at Yacob sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kabilang sa mga kasunduan na lalagdaan ng dalawang bansa ang sa sektor ng kalakalan, kultura, people to people at iba pa.

Read more...