3 suspek sa Maguindanao massacre case na naging state witness, hindi na dapat ilipat ng kustodiya – Panelo
Wala nang nakikitang rason ang Palasyo ng Malakanyang na ilipat ng kustodiya ang tatlong suspek sa Maguindanao massacre case na naging state witness.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na patapos na ang paglilitis sa Maguindanao massacre case kung kaya maaring wala nang banta sa kanilang buhay.
Tapos na rin aniya ang kanilang pag testigo laban sa pamilya ni Datu Andal Ampatuan Sr. na itinuturong mastermind sa pagpatay sa 58 katao.
Isa sa mga suspek na naging witness ay si Zukarno Badal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.