Metro Manila at ilang lugar, uulanin ngayong hapon (Sept. 8)

DOST PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, Linggo ng hapon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:26 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon.

Mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang Bongabon sa Nueva Ecija; Subic, Olongapo, San Marcelino at Cabangan sa Zambales.

Uulanin din ang bahagi ng Dinalupihan, Hermosa at Bagac sa Bataan.

Pinayuhan ng weather bureau ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...