Palasyo ng Malakanyang, dumistansya sa kaso ng Maguindanao Massacre

By Chona Yu September 08, 2019 - 11:55 AM

“Follow the law.”

Ito ang maiksing mensahe ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng paglilitis sa Maguindanao Massacre case.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang kinikilingan ang Palasyo sa naturang kaso.

Dapat aniyang sumunod ang lahat sa mga itinatakda ng batas.

Si Panelo ay dating abogado ni Andal Ampatuan Jr. na pangunahing salarin sa pagpatay sa 58 katao kung saan 32 rito ay mga mamamahayag sa Mamasapano, Maguindanao noong November 2009.

Inaasahang matatapos na ang paglilitis sa kaso sa buwan ng November ngayong taon.

TAGS: nalalapit na pagtatapos ng paglilitis sa Maguindanao Massacre case, Palasyo ng Malakanyang, Panelo ay dating abogado ni Andal Ampatuan Jr., Presidential spokesman Salvador Panelo, nalalapit na pagtatapos ng paglilitis sa Maguindanao Massacre case, Palasyo ng Malakanyang, Panelo ay dating abogado ni Andal Ampatuan Jr., Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.