Pahayag ni Sen. Pangilinan sa paglipat ng 10 high-profile inmates sa Philippine Marines, kahangalan ayon sa Palasyo

By Chona Yu September 08, 2019 - 11:50 AM

Kahangalan ang pahayag ni Senador Kiko Pangilinan na kaya inilipat sa kostudiya ng Philippine Marines mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang mga drug convict na witness laban kay Senador Leila De Lima ay para tuloy ang pagsisinungaling at pagdidiin sa senadora sa kaso ng ilegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kaya inilipat ang mga preso dahil sa banta sa kanilang buhay.

Dapat aniyang alam ni Pangilinan ang batas dahil isa siyang abogado.

Nais lamang aniya ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga testigo.

TAGS: 10 high-profile inmates na inilipat sa Philippine Marines, New Bilibid Prison (NBP), Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Senador Kiko Pangilinan, 10 high-profile inmates na inilipat sa Philippine Marines, New Bilibid Prison (NBP), Palasyo ng Malakanyang, Presidential spokesman Salvador Panelo, Senador Kiko Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.