Faeldon, malinis at walang bahid ng korupsyon—Malakanyang
Walang isyu ng korupsyon si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faledon.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Faledon dahil sa pagsuway sa kanyang utos na huwag palayain si convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na sa paniniwala ni Pangulong Duterte, walang bahid ng korupsyon ang pagkatao ni Faledon kung kaya nasabi niya sa kanyang talumpati noong Biyernes sa Cebu City na tiwala at bilib pa rin siya sa dating marine official.
Sinabi pa ni Panelo na prerogative na rin ni Pangulong Duterte kung itatalaga muli si Faeldon sa iba pang posisyon sa gobyerno.
Una nang nasangkot sa kontrobersiya si Faledon sa P6.4 bilyong halag ng shabu shipment noong siya pa ang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).
Gayunman, sa kabila ng kontrobersiya, inilipat ni Pangulong Duterte si Faeldon sa BuCor kung saan nasangkot naman ito sa panibagong kontrobersiya dahil sa muntikan nang paglaya ni Sanchez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.