Paglaya ng mga convict sa Chiong sisters rape-slay case, isiniwalat ng asawa ni Antonio Sanchez
Ibinunyag ng asawa ni rapist-murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa magulang nina Marijoy at Jacqueline Chiong ang pagpapalaya sa mga may sala sa panggagahasa at pagpatay sa dalawa.
Sa isang panayam sa radyo, isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson na si Elvira Sanchez ang nagtip kay Thelma Chiong na lumaya na ang mga salarin sa pagpatay sa kaniyang mga anak.
Ayon kay Lacson, naiinip na ang pamilya ni Sanchez at iniisip na kung bakit ang dating alkalde na lamang ang naiwan sa kulungan.
Isiniwalat din ni Lacson na hindi nila inilabas ang impormasyong ito sa pagdinig sa senado ngunit nauna na itong sinabi sa kaniya ni Senate President Vicente Sotto III.
Ang dalawa sa tatlong convict sa Chiong sisters case na sina Ariel Balansag at Alberto Caño ay napalaya dahil sa maling pagbilang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sumuko na rin pabalik ng piitan ang dalawa matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin ang daan-daang convicts na sangkot sa heinous crimes sa loob ng 15 araw.
Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inaasahan na susuko ang isa pang suspek sa rape-slay case na si Josman Aznar sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.