4 taong gulang na bata, patay matapos malunod sa isang resort sa Isabela

By Clarize Austria September 08, 2019 - 09:34 AM

Nasawi ang isang apat na taong gulang na batang lalaki makaraang malunod sa swimming pool ng Melchor Resort sa Santo Tomas Village sa Alicia, Isabela, Sabado ng gabi, September 7.

Ayon kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police, hindi napansin ng mga magulang ng batang si Geoven Rein Gines na nagtungo ito sa pangmatandang pool.

Sinabi naman ng ama ni Geoven na si Police Lietenant George Gines, agad na sinagip ang bata mula sa pool at binigyang lunas ng doktor sa resort bago dinala sa Lucas-Paguila Hospital.

Hindi naman na umabot ng buhay ang bata at ikinonsiderang dead on arrival pagdating as ospital ng alas 8:45 ng gabi.

TAGS: 4 na taong gulang na bata patay matapos malunod, dead on arrival nang dalhin sa ospital, Santo Tomas Village sa Alicia Isabela, 4 na taong gulang na bata patay matapos malunod, dead on arrival nang dalhin sa ospital, Santo Tomas Village sa Alicia Isabela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.