Pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez, muling nakipagkita sa mga hukom na humatol sa kaso
Muling nagkasama-sama sa iisang kwarto ang pamilya ng rape-slay victims na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez at ang mga hukom na humatol sa kaso araw ng Sabado, September 7.
Kasama nina Maria Clara Sarmenta at Iluminada Gomez sina Senator Franklin Drilon at exuberant Harriet Demetrio.
Ayon kay Maria Clara Sarmenta, huling nagkita ang apat noong 1995 sa loob pa ng korte.
Umamin naman si Sarmenta na bagamat nagkikita sila ni Gomez, ngayon lang nagkaroon ng maayos na reunion kasama ang dating justice secretary at hukom na nagdesisyon kaso.
Ayon naman kay Drilon, isang magandang simbolo ang pagkikita nang apat dahil nagbibigay pag-asa ito sa sistema ng hustisya sa bansa.
Nagkita-kita ang tatlo makaraang mapabalita na palalayain ang suspek sa rape-slay case na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sinabi naman ni Gomez na nakapampante na sila kahit papaano dahil hindi makalalaya ang pumaslang sa kanilang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.