P400K halaga ng shabu at 5 halaman ng marijuana, nasamsam sa Bohol

By Clarize Austria September 08, 2019 - 08:30 AM

Timbog ang isang high value target na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Ilihan sa bayan ng Tubigon sa Bohol Biyernes ng Gabi, September 6.

Ayon kay Atty. Renan Olive, hepe ng National Bureau of Investigation(NBI) Bohol District, matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad si Michael Zarate na tulak ng droga sa nasabing lugar.

Nakuhak kay Zarate ang 13 medium pack ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo at nakakahalaga gn P400,000.

Nakuha rin ang 10 gramo ng pinatuyong dahon ng marjuana at 5 malalaking halaman ng marijuana na nakatanim sa likod ng bahay nito.

Bukod kay Zarate, timbog din ang mga nasa loob ng drug den na sina Jaime Jasol, 28 anyos, at Marvin Encargis, 18 anyos.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlo na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: high value target na drug suspek, P400K halaga ng hinihinalang shabu, Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, high value target na drug suspek, P400K halaga ng hinihinalang shabu, Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.