Harry, Meghan at Archie nakatakdang bumisita sa southern Africa

Inihayag ng taga pagsalita ng British royal family na nakatakdang bumisita si Prince Harry, ang asawa nitong si Meghan at kasama ring ang kanilang anak na si Archie sa South Africa.

Ayon sa private secretary ni Prince Harry na si Sam Cohen, pupunta ang magasawa sa South Africa na tatagal ng 10 araw, mula Septmeber 23 hanggang October 2 ngayong taon.

Bibisitahin ni Price Harry ang humanitarian work ng ina nitong yumaong si Princess Diana sa Angola.

Mailban dito, pupuntahan din nito ang Malawi at Botswana.

Samantala, ang asawa naman nitong si Meghan ay bibisitahin ang mga samahan ng mga kababaihan sa South Africa na nagpo-promte ng edukasyon, kalisugan, entrepreneurship at leadership.

Read more...