Ryan Cayabyab, isa sa 2019 Ramon Magsaysay Awardee

By Noel Talacay September 08, 2019 - 12:01 AM SHARE(S):

Kumpirmado na isa si National Artist for Music at multi-awarded Filipino composer Ryan Cayabyab o mas kilala bilang Mr. C ang gagawaran ng pretihiyosong Ramon Magsaysay Awards para sa taong 2019.

Dahil dito nag paabot ng pasasalamat si Mr. C sa pagkilala ng kayang naiambag sa musikang Pilipino.

Maliban kay sakanya, paparangalan din sina Ko Swe Win, isang editor mula Myanmar, Indian Journalist na si Ravish Kumar, nurse mula Thailand na si Angkhana Neelapaijit at Kim Jong-Ki mula South Korea.

Ilang sa mga kanta na kanyang pinasikat ay ang “Kay Ganda ng Ating Musika” na ang wagi sa iba’t ibang music festival noong 1978 gaya ng Metro Manila popular music festival at International song festival sa South Korea.

September 9, Lunes gagawin ang 2019 Ramon Magsaysay Awards.

TAGS: 2019 Ramon Magsaysay Awards, Kay Ganda ng Ating Musika, Mr. C, multi-awarded Filipino composer Ryan Cayabyab, National Artist for Music, Ryan Cayabyab, 2019 Ramon Magsaysay Awards, Kay Ganda ng Ating Musika, Mr. C, multi-awarded Filipino composer Ryan Cayabyab, National Artist for Music, Ryan Cayabyab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.