Ayon kay Senior Insp. Bansil, na ikinagulat niya ang pagkakasama ng kanyang pangalan dahil aniya wala siyang kinalaman sa GCTA-for-sale.
Pero inamin naman niya na nakatalaga siya sa external affairs section ng BuCor na humahawak ng mga dokumento na kaugnay na GCTA.
Sinabi rin nito na kilala niya si Yolanda Camelon dahil nag pasama ito sa bahay ni Staff Sgt. Ramoncito Roque para kausapin niya ito tungkol sa GCTA.
Pinabulaanan din ni Bansil sa tumanggap siya ng P50,000.00 mula kay Camelon kapalit ng maagang paglaya ng asawa nito.
Kamakailan, nabangit ang pangalan ni Bansil ng isang witness na si Yolanda Camelon sa ginagawang senate inquiry kaugnay sa GCTA-for-sale scheme sa NBP.