Isang BuCor official pinabulaanan ang pagkakasangkot sa GCTA-for-sale scam

By Noel Talacay September 07, 2019 - 11:18 PM

Itinanggi ni Senior Insp. Maribel Bansil ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale scheme sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Senior Insp. Bansil, na ikinagulat niya ang pagkakasama ng kanyang pangalan dahil aniya wala siyang kinalaman sa GCTA-for-sale.

Pero inamin naman niya na nakatalaga siya sa external affairs section ng BuCor na humahawak ng mga dokumento na kaugnay na GCTA.

Sinabi rin nito na kilala niya si Yolanda Camelon dahil nag pasama ito sa bahay ni Staff Sgt. Ramoncito Roque para kausapin niya ito tungkol sa GCTA.

Pinabulaanan din ni Bansil sa tumanggap siya ng P50,000.00 mula kay Camelon kapalit ng maagang paglaya ng asawa nito.

Kamakailan, nabangit ang pangalan ni Bansil ng isang witness na si Yolanda Camelon sa ginagawang senate inquiry kaugnay sa GCTA-for-sale scheme sa NBP.

TAGS: enior Insp. Maribel Bansil, GCTA-for-sale scheme, Good Conduct Time Allowance (GCTA), Yolanda Camelon, enior Insp. Maribel Bansil, GCTA-for-sale scheme, Good Conduct Time Allowance (GCTA), Yolanda Camelon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.