Dalawang Malaysian National na may dalang mga drug paraphernalia, inaresto sa Pasay City

By Noel Talacay September 07, 2019 - 10:32 PM

Hindi nakatakas ang dalawang Malaysian National mula sa mga pulis ng Pasay City matapos matuklasan ang mga drug paraphernalia mula loob ng hotel room kung saan sila naka check in.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Hong Choag Chia, 20-anyos at Moh Jing hua, 28-anyos.

Base sa ulat ng Pasay pulis, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang security guard ng isang hotel sa lungsod ng Pasay bandang alas-4:00, Sabado ng hapon, Sept. 7 para i-report ang natagpuan nilang mga drug paraphernalia sa loob ng kwarto kung saan naka check in ang dalawang Malaysian National.

Kwento ni Julius Rhee Roylo, isa sa mga housekeeper ng hotel na nililinis na niya ang kwarto dahil nagcheck out na ang dalawang dayuhan ng matagpuan niya ang mga drug paraphernalia.

Kaya agad aniya itong ipinagbigay alam sa security ng hotel.

Dinala ang dalawang suspek sa Pasay City Police Station para kaharapin ang kasong isasampa sa mga ito kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug paraphernalia, Hong Choag Chia, Julius Rhee Roylo, Malaysian national, Moh Jing hua, Pasay City Police Station, Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug paraphernalia, Hong Choag Chia, Julius Rhee Roylo, Malaysian national, Moh Jing hua, Pasay City Police Station, Republic Act 9165

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.