Helper na humarang sa gunman ng kaniyang amo sa Bulacan, pararangalan

By Clarize Austria September 07, 2019 - 01:31 PM

Bibigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray sa Bulacan ang helper na nakakorner sa suspek na pumatay sa kaniyang amo.

Ayon kay Mayor Alfredo Germar, bibigyan si Teodoro Flores ng special citation at trabaho matapos habulin ang gunman na umatake kay Melanie Palad noong August 29 sa Rico Lanie Store sa Poblacion village.

Ayon kay Norzagaray police chief Major Avelino Protacio, nag-aasikaso ng kliyente si Flores nang biglang atakihin ng suspek si Palad.

Sumigaw ang biktima nang mabaril ito na nagtulak naman kay Flores na batuhin ang gunman ng LPG tank.

Kinuha naman ng kasabwat ng suspek na si Angelito Valida ang baril saka pinaputukan si Flores bago tumakas.

Isinugod naman sa ospital ang suspek at si Palad ngunit binabiwan ng buhay habang ginagamot.

TAGS: bibigyan si Teodoro Flores ng special citation at trabaho, habulin ang gunman na umatake sa kaniyang amo, lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Mayor Alfredo Germar, bibigyan si Teodoro Flores ng special citation at trabaho, habulin ang gunman na umatake sa kaniyang amo, lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Mayor Alfredo Germar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.