4 na diumano’y kolektor ng STL bets, huli sa Quezon

Timbog ang apat na hinihinalang kolektor ng illegal na operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Tayabas City sa lalawigan ng Quezon, araw ng Biyernes.

Ayon sa Tayabas City Police, nahuli nila ang mga tinaguriang ‘bookies’ na sina Johnny Villamayor, 46 anyos habang kumukuha ng taya sa Barangay Opias.

Makaraan ang dalawang oras naaresto naman sina Zosimo Caagbay, 67 anyos; Gaspar Aguidilla, 31 nayos; at Chessa Mae Rueca, 22 anyos na nangongolekta at nagsasaayos ng taya sa Barangay Angeles.

Nakuha sa mga suspek ang mga STL bet collections forms, ilang paraphernalia na ginagamit sa pagpapataya, at pera ng tao na itinaya.

Bigo namang makapagpakita ng identification cards ang apat mula sa awtorisadong STL operator ng probinsya na Pirouette Gaming Corporation.

Ayon pa sa pulisya, tatlong beses na lamang sa isang araw naglalabas ng resulta ang mga bookies na nakabase sa legal STL draw sa opisina ng nasabing kumpanya sa Lucena City.

Magugunita na ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July at tinanggal ang ban noong August 22.

Read more...