3,285 nakapasa sa electrical engineer licensure examination

Pasado ang 3,285 sa 4,891 examinees ng august 2019 registered electrical engineer licensure examination.

Topnotcher si Mikhael Glen Borja Lataza ng University of San Carlos na nakakuha ng markang 92.05% habang pangalawa naman si Gerald Magalona Mier ng Bicol-University Legazpi na may gradong 92.05%.

Sa rank 3 si Derrick Munar Ramos ng University of Santo Tomas, rank 4 si John Rocel Anim Perez ng Camarines Norte State College-Daet, at rank 5 si Ervin Balsamo Reña.

Nasa 2,634 sa kabuuang 4,424 examinees naman ang pumasa sa master electrician licensure examination.

Topnocher sina Carlo Latorre Padilla ng Batangas State University at Charlene Balaños Wong ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo na pawang may marka na 94%.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), maaari ng magregister ang mga nakapasa sa kanilang website mula September 26 hanggang October 9 upang makuha nag kanilang lisyensya.

Iaanunsyo naman ng PRC ang petsa at detalye ng panunumba sa mga susunod na araw.

Read more...