Higit sa 200 pamilya na nawalan ng bahay sa landslide sa Tinaan, Naga City binigyan ni Pangulong Duterte ng libreng pabahay

Daan-daang pamilya na nawalan ng bahay sa landslides sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan Naga City sa Cebu noong isang taon ang mabibigyan ng libreng pabahay.

Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng groundbreaking ceremony araw ng Biyernes para sa Naga Permanent Housing Project.

Kasabay nito ay inatasan ng pangulo ang National Housing Authority (NHA) na ibigay ng libre ang nasabing pabahay para sa mga naapektuhan ng Bagyong Sindong at ng Zamboanga siege.

Nasa 213 na pamilya ang makikinabang sa Naga Permanent Housing project na inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan.

Nasa 80 ang nasawi at 60 mga bahay ang natabunan sa pagguho ng lupa noong September 20, 2018 kasunod ng walang tigil na pag-ulan sa lugar.

Read more...