Pangulong Duterte hinikayat ang mga negosyante na mag-invest sa Visayas
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Durterte ang mga negosyante na mag-invest sa Visayas partikular na sa Cebu at Bohol sa halip na sa Western Mindanao.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na niya inirerekomenda ang panibagong investments at economic activities sa Western Mindanao.
Dapat rin aniya ikonsidera ng mga businessman ang law and order sa Mindanao.
Ayon pa sa presidente, nabawasan na rin ang gulo sa Central Mindanao nang malagadan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na pinangasiwaan ngayon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Inamin naman ng pangulo na nananatiling problema ng kaniyang administrasyon ang New People’s Army (NPA) sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.