Truck driver patay, 25 sugatan sa aksidente sa Quezon

By Clarize Austria September 07, 2019 - 09:49 AM

Nasawi ang isang dyarber ng trak habang sugatan ang 25 katao matapos banggain ng isang bus ang tatlong sasakyan bago sumalpok sa isang bahay sa Maharlika Highway sa Atimonan, Quezon araw ng Biyernes, Septermber 6.

Ayon Atimonan Police chief Major Alejandro Onquit, nangyari ang insidente nang nag-overtake ang bus na pagmamay-ari ng Elavil Tours Philippine Inc. na minamaneho ni Aldin Madera sa isang tricycle habang binabaybay ang palikong daan sa Barangay Angeles alas 4:40 ng hapon.

Unang sumalpok ang bus sa trailer truk na minamaneho ng biktimang si Ireneo Abayon na dead on the spot dahil sa malalang sugat na natamo.

Matapos ito, bumangga ang bus sa mga kasunod na tricycle bago sumadsad sa isang bahay.

Nasa 16 na pasahero ng bus ang nasaktan kabilang si Madera, 2 pahinante ng trailer trak, 2 driver ng tricycle, 5 pasahero ng motorsiklo, at isang tao sa nabanggang bahay.

Dinala ang mga nagtamo ng sugat sa Doña Martha Memorial District Hospital at Nuestra Senora Delos Angles General Hospital para magbigyan ng atensyong medikal.

TAGS: Doña Martha Memorial District Hospital, matapos banggain ng isang bus ang tatlong sasakyan bago sumalpok sa isang bahay, Nasawi ang isang dyarber ng trak, Nuestra Senora Delos Angles General Hospital, Sugatan ang 25 katao, Doña Martha Memorial District Hospital, matapos banggain ng isang bus ang tatlong sasakyan bago sumalpok sa isang bahay, Nasawi ang isang dyarber ng trak, Nuestra Senora Delos Angles General Hospital, Sugatan ang 25 katao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.