7 sugatan sa pagsabog ng isang IED malapit sa palengke sa Isulan, Sultan Kudarat
Nabulabog ng pagsabog ang isang public terminal sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat bandang alas-7:00 sabado ng umaga.
Ayon kay Isulan Police Lieutenant Colonel Junie Buenacosa, nangyari ang pagsabog bago mag-alas-7:00 sabado ng umaga sa harap ng palengke sa gilid ng national highway at malapit sa terminal ng mga habal-habal.
Hinihinalang itinanim ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa terminal ng motorsiklo.
Hindi pa alam kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo sa pagtatanim ng bomba sa lugar.
Tinitignang dahilan naman ng pagpapasabog ay extortion.
Sa pinaka-huling ulat ay nasa 7 katao ang nasugatan sa insidente bagamat pawang minor injuries lamang ang kanilang tinamo at nabigyang lunas sa Nazarene Hospital at Sultan Kudarat Provincial Hospital.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.