Hurricane Dorian naglandfall sa Outer Banks, North Carolina

By Jimmy Tamayo September 07, 2019 - 09:13 AM

Nakaranas ng hagupit ng Hurricane Dorian ang Outer Banks ng North Carolina.

Ang bagyo ay nag-landfall sa Cape Hatteras bandang alas-9:00 ng umaga taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 150 kph.

Sinabi ni North Carolina Governor Ray Cooper, matinding tinamaan ng bagyo ang Ocracoke Island na nakaranas ng pagbaha at naputol din ang supply ng kuryente.

Ayon sa National Hurricane Center, tinatahak ng bagyo direksyon patungo ng Canada at inaasahang magdadala ng malalakas na hangin na may kasamang ulan sa Nova Scotia gabi ng sabado.

Ang Hurricane Dorian ay nauna nang nanalasa sa Bahamas at nag-iwan ng nasa 30 kataong patay.

TAGS: bagyo ay nag-landfall sa Cape Hatteras, Hurricane Dorian, national hurricane center, Outer Banks ng North Carolina, bagyo ay nag-landfall sa Cape Hatteras, Hurricane Dorian, national hurricane center, Outer Banks ng North Carolina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.