No. 10 most wanted person ng Valenzuela City, naaresto na ng mga otoridad

Arestado ang number 10 most wanted person ng Valenzuela City matapos ang ginawang opersayon laban sa suspek bandang alas-3:30, Biyernes ng hapon, Sept. 6.

Nahuli ang suspek na si John Bernard Ramos Adriano, 24-anyos, isang construction worker at residente ng Abalos Bukid, Gen. T De Leon lungsod ng Valenzuela at may warrant of arrest sa kasong homicide.

Ang pagkahuli ng suspek ay dahil sa joint operation ng intelligence operatives ng Valenzuela pulis at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinanguhan ni P/Maj. Jessie Misal.

Inihain ang warrent of arrest laban sa suspek ni Judge Nancy Rivas Palmones ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172 ng Valenzuela City.

Nakapiit na ang suspek sa Valenzuela Police Station.

Read more...