Suspek sa pagpatay ng sariling ina sa Zamboanga City, patay matapos umanong manlaban sa mga otoridad

By Noel Talacay September 07, 2019 - 04:47 AM

Patay ang isang lalaking suspek sa pagpatay ng sarili nitong ina matapos itong manlaban umano sa mga arresting officer ng Zamboanga City, araw ng Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Dondi Al-Shamer Nurdelbirut, 46-anyos at residente ng Barangay Sinunuc sa nasabing lungsod.

Base sa paunang ulat ng mga otoridad, chinop-chop ng suspek ang sarili nitong ina na si Amirdoda Nurdelbirut, 72-anyos, gamit ang samurai at inisilid ang pira-pirasong katawan ng biktima sa loob ng maleta.

Nadiskobre ang ginawang krimen ng suspek ng mangamoy ang bankay ng biktima, kaya hinanap ng mga kapitbahay ng suspek kung saan nang gagaling ang masangsang na amoy.

Agad naman itong ipinagbigay alam ng mga residente sa mga pulis.

Sa pagresponde ng Zamboanga City pulis, nagkaroon ng ilang oras na negosasyon sa pagitan ng mga pulis at ng suspek, pero humantong pa rin ito sa pagkakapatay sa suspek dahil pumalag ito.

TAGS: Amirdoda Nurdelbirut, Dondi Al-Shamer Nurdelbirut, nanlaban, Suspek sa pagpatay ng sariling ina sa Zamboanga City, Zamboanga City, Amirdoda Nurdelbirut, Dondi Al-Shamer Nurdelbirut, nanlaban, Suspek sa pagpatay ng sariling ina sa Zamboanga City, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.