Bagong larawan sa IG account ni Ms. Claudine Barreto, nag trending

By Noel Talacay September 07, 2019 - 02:35 AM SHARE(S):

Trending ang bagong larawan na pinost ni Ms. Claudine Barreto sa kanyang instagram account.

Sa kanyang instagram post, sinabi nito na siya ang may responsibilidad kung ano ang dapat niyang maramdaman.

Nilagyan din niya ito ng caption na “Today, I am choosing happines”

Fierce ang larawan na pinost sa instagram ng beteranang aktres, pero ang mensaheng kanyang ipinaparating ay isang masayang Claudine Barreto.

May hashtag pa itong “Choose happiness” at “Positive Thoughts”.

Umabot na ng 69,785 ang mga nag like ng kanyang larawan kung saan nag like din ang ilang mga sikat sa celebrity tulad ni Ms. Ann Curtis.

Mayroon na rin itong 2,028 comments at isa sa mga nag comment ay ang kapatid nitong si Ms. Gretchen Barreto, at marami pang mga sikat na mga artista ang nagpahayag ng supporta sa post ng aktres.

TAGS: Choose happiness, instagram account, Ms. Claudine Barreto, Positive Thoughts, Choose happiness, instagram account, Ms. Claudine Barreto, Positive Thoughts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.