Ayon kay Pangulong Duterte na gusto lang niyang matiyak ang pansariling siguridad ng nasabing mga bilanggo dahil sila ang mga pangunahing witness laban kay Senator Leila De Lima sa kasong illegal drugs sa loob ng NBP.
Aniya na mayroon mga tauhan si De Lima na sangkot din sa illegal drugs at na nakakulong pa rin sa loob ng NBP.
Sinabi ng pangulo na siya ay natatakot para sa mga 10 presong witness na baka patayin sa loob ng NBP sa mga darating na araw, dahilan para mawalan ng witness ang gobyerno labay kay Senator De Lima.
Si De Lima ang nakakulong sa pa rin sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa kasong illegal drugs at naging justice secretary sa panahon ng Aquino administration.
Ang NBP ay ang kulungan ng Pilipinas na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice.