Pangulong Rodrigo Duterte pinagutos ang paglipat ng 10 high-profile na bilanggo sa Philippine Marines headquarters

By Noel Talacay September 07, 2019 - 01:15 AM

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinagutos niya na ilipat ang 10 high-profile na mga bilanggo sa Philippine Marines headquarters mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Pangulong Duterte na gusto lang niyang matiyak ang pansariling siguridad ng nasabing mga bilanggo dahil sila ang mga pangunahing witness laban kay Senator Leila De Lima sa kasong illegal drugs sa loob ng NBP.

Aniya na mayroon mga tauhan si De Lima na sangkot din sa illegal drugs at na nakakulong pa rin sa loob ng NBP.

Sinabi ng pangulo na siya ay natatakot para sa mga 10 presong witness na baka patayin sa loob ng NBP sa mga darating na araw, dahilan para mawalan ng witness ang gobyerno labay kay Senator De Lima.

Si De Lima ang nakakulong sa pa rin sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa kasong illegal drugs at naging justice secretary sa panahon ng Aquino administration.

Ang NBP ay ang kulungan ng Pilipinas na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice.

TAGS: Bureau of Corrections, Camp Crame sa Quezon City, department of justice, New Bilibid Prison (NBP), Rodrigo Duterte, Senator Leila De Lima, Bureau of Corrections, Camp Crame sa Quezon City, department of justice, New Bilibid Prison (NBP), Rodrigo Duterte, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.