3 Justices hindi sasali sa pagtalakay ng SC sa SET ruling sa kaso ni Poe

By Ricky Brozas January 04, 2016 - 05:02 PM

SENATE/FEB.2,2015 Senator Grace Poe-Llamanzares, chair of the Senate committee on public services hearing on the defective MRT-LRT services. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Hindi makikisali sa pagtalakay sa mosyon laban sa Senate Electoral Tribunal (SET) ruling kaugnay sa diskwalipikasyon bilang Senador ni Grace Poe ang tatlong Associate Justices ng Supreme Court.

Sa resolusyon na inilabas ng Mataas na Hukuman, nakasaad na walang magiging partisipasyon sa pagtalakay sina Senior Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo De Castro at Arturo Brion.

Partikular na hindi makikiisa ang tatlo sa isasagawang oral argument sa isyu sa January 19.

Matatandaang ang tatlong mahistrado ay pawang miyembro ng SET at bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni Poe bilang senador.

Gayunman, wala pang inilalabas na desisyon ang Korte Suprema kaugnay naman sa hiling ng kampo ni poe na mag-inhibit din ang tatlo sa dalawa pang petisyon sa kaso ng senador.

Ang dalawang petisyon ay may kaugnayan naman sa ruling ng Comelec na nagdidisqualify kay Poe bilang Presidential candidate.

Subalit sa impormasyon sinasabing hindi mag-iinhibit ang tatlo sa mga naturang petisyon dahil kaiba naman anila ito sa isyu sa SET ruling.

TAGS: Brion, Carpio, De castro, poe, SC, SET, Brion, Carpio, De castro, poe, SC, SET

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.