Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.9 na lindol; Intensities, naitala sa ilang kalapit-lugar
Yumanig ang magnitude 4.9 na lindol sa Batangas, Biyernes ng gabi.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 23 kilometers Northwest ng Calatagan bandang 6:32 ng gabi.
99 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na intensity sa iba’t ibang lugar:
Intensity 3:
– Tagaytay City
Intensity 2:
– Mandaluyong City
– Muntinlupa City
Intensity 1:
– Talisay, Batangas
– Quezon City
Instrumental intensities naman sa mga sumusunod:
Intensity 4:
– Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity 2:
– Tagaytay City
– Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity 1:
– San Jose, Occidental Mindoro
– Olongapo City
– Talisay, Batangas
Samantala, wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.