Ayusin ang mga kulungan, panawagan ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio September 06, 2019 - 06:41 PM

Inihirit ni Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Justice (DOJ) na ayusin ang mga kulungan sa bansa at tiyakin ang maayos na pagtrato sa lahat ng mga preso at detenido.

Pagdidiin pa ni Go, dapat ay pantay-pantay din ang pagtrato sa lahat ng mga persons deprived of liberty o PDL.

Dapat din aniyang tuldukan na ang ‘Bata Bata’ system sa mga kulungan para wala ng maging alegasyon ng palakasan.

Una nang sinuportahan ni Go ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang lahat ng mga nakinabang sa good conduct time allowance o GCTA.

Aniya, dapat ding maisiwalat nang husto ang modus na ‘GCTA for sale.’

TAGS: DOJ, GCTA, person deprived of liberty, Sen. Christopher Go, DOJ, GCTA, person deprived of liberty, Sen. Christopher Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.