Sarangani, Davao Occidental nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental, Biyernes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro sa 320 kilometers Southeast ng Sarangani ng 3:28 ng hapon.

May lalim ang lindol na 4 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...