Isa sa mga testigo sa GCTA law nag-back out ayon kay Sen. Gordon
Nag-back out ang isa sa mga witness sa Republic act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado.
Ayon kay Senator Richard Gordon, dalawa aniya dapat ang magiging testigo sa kontrobersyal na GCTA law.
Ngunit biglang hindi na tumuloy ang isang kasama sa mga testigo dahil nagkaroon aniya ito ng ‘cold feet.’
Sinabi pa ng senador na ang hindi tumuloy na testigo ay isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sa pagdinig ng Senado, araw ng Huwebes, isiniwalat ng isang testigo na si Yolanda Camilon na nagbayad siya ng P50,000 sa ilang opisyal ng BuCor para mapalaya ang kaniyang partner na nakakulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.