Ito ay matapos ang maghapong aberyang naranasan sa tren dahil sa naputol na Overhead Catenary System (OCS) sa Guadalupe Station.
Bago mag alas 7:00 ng umaga nang itigil ang buong operasyon ng MRT-3.
Mula naman bago mag alas 10:00 ng umaga ay nakapag-operate ito pero Shaw hanggang North Avenue stations lamang at pabalik ang biyahe.
Ayon sa DOTr – MRT3, alas 4:35 ng hapon nang matagumpay na maidugtong ang catenary cable na naputol sa Guadalupe Station.
Matapos maiayos ang kable ay nagsagawa ng site clearing at ibinalik ang mga maintenance vehicle sa depot.
Alas 5:00 ng hapon nang ganap na maibalik ang buong operasyon ng MRT-3.
MOST READ
LATEST STORIES