Trabahador sa Manila North Cemetery patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 04:49 PM

Nasawi makaraang tambangan ang isang lalaki na nagtatrabaho sa Manila North Cemetery.

Nangyari ang pananambang umaga ng Biyernes, Sept. 6 sa loob ng sementeryo.

Ayon sa Moriones police, ang biktima ay nakilalang si JordanNaronga, 40 anyos na papasok na sa trabaho nang sundan ng gunman at saka dalawang beses binaril.

Nagtamo ng limang tama ng bala ng baril ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Mabilis tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay kalalaya lamang mula sa pagkakakulong sa Makati City jail noong June 24 dahil sa kasong robbery incident at paglabag sa Omnibus Election Code.

Nakalaya din ito noong November 2018 dahil mula sa pagkakabilanggo sa Caloocan City Jail naman dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

TAGS: caloocan city jail, Makati City Jail, manila, Moriones station, caloocan city jail, Makati City Jail, manila, Moriones station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.