Angat Dam maglalabas ng tubig bukas

By Den Macaranas January 04, 2016 - 04:42 PM

angat-dam
Inquirer file photo

Inabisuhan na ng National Power Corporataion (NPC) ang Provincial government ng Bulacan kaugnay sa gagawing pagpapakawala ng tubig ng Angat Dam bukas, January 5.

Sa kanilang advisory, sinabi ng NPC na bubuksan nila ng hanggang sa 0.5 meters ang gate 2 ng Angat Dam para maglabas ng 70 cubic meters per second na tubig ganap na alas-otso ng umaga bukas.

Ang nasabing water release ay base na rin sa rekomendasyon ng PAGASA dahil sa patuloy na pag-ulan sa ibabaw ng Angat Dam dulot ng monsoon at easterly rains.

Nilinaw naman ng National Power Corporation na hindi magdudulot ng baha sa mga mababang lugar sa Bulacan ang gagawin nilang pagpapakawala ng tubig na dadaan sa mga bayan na binabagtas ng  Angat River.

Kanilang alas-tres ng hapon ay naitala ang water elevation ng Angat Dam sa taas na 215 meters na higit na mataas sa normal high water elevation na 212 meters.

Noong kasagsagan ng bagyong Nona noong nakaraang buwan ng Disyembre ay lumubog ang malaking bahagi ng Bulacan nang bumuhos ang tubig-baha galing sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora.

 

TAGS: Angat Dam, Bulacan, national Power Corporation, Angat Dam, Bulacan, national Power Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.