Coco Martin at Mayor Isko Moreno magsasama sa isang proyekto

By Jimmy Tamayo September 06, 2019 - 04:37 PM

Magbabalik pelikula nga ba ang Manila Mayor Isko Moreno?

‘Yan ang tanong ngayon ng marami makaraang kumalat ang larawan niya kasama ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Sa nasabing larawan na nakapost din sa Instagram account ni Coco Martin, makikita ang alkalde na tila masinsinan ang pakikipag-usap sa actor.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Mayor Isko na marami silang pinag-usapan ni Coco na gaya aniya karakter nito na Cardo sa teleseryeng “Ang probinsyano” ay nanggaling din sa “Alaws” (Wala).

Hindi naman nagbigay ng detalye ang alkalde kung talagang magbabalik pelikula na siya maliban sa pahayag na pumayag si Martin na tumulong sa kanyang pamunuan para magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan ng Maynila.

TAGS: Ang Probinsyano, Coco Martin, Isko Moreno, Kapamilya, Ang Probinsyano, Coco Martin, Isko Moreno, Kapamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.