Crack down sa mga punerarya sa Maynila iniutos ni Mayor Isko Moreno

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 04:58 PM

Arestado ang dalawang empleyado ng isang punerarya matapos na i-hostage umano ang bangkay ng isang lalaki kapalit ng malaking halaga mula sa pamilya nito.

Iniharap sa media ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang lalaking suspek.

Humingi ng tulong sa pulisya ang kaanak ng bangkay dahil hinihingan umano sila ng P360,000 ng dalawang suspek para mailabas ang bangkay.

Dismayado si Moreno na nasawi na nga ay pinagkakitaan pa.

Kasabay nito ay inatasan ni Moreno ang City Health Department na magsagawa ng crack down sa lahat ng punerarya sa Maynila.

Ito ay para matiyak na wala silang nilalabag na regulasyon ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat naman sa alkalde at sa mga pulis ang pamilya ng nasawi.

TAGS: funeral parlor, hostage, hostage of a corpse, manila, Mayor Isko Moreno, funeral parlor, hostage, hostage of a corpse, manila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.