Dating pangulo ng Zimbabwe na si Robert Mugabe pumanaw sa edad na 95

Pumanaw sa Singapore ang dating pangulo ng Zimbabwe na si Robert Mugabe.

Si Mugabe ay nasa Singapore kung saan siya sumasailalim sa medical treatment sa loob ng ilang taon.

Ang pagpanaw ni Mugabe ay inanunsyo sa official Twitter account ni Zimbabwe President Emmerson Mnangagwa.

Inilarawan si Mugabe bilang “founding father of Zimbabwe” at “icon of liberation”.

Hindi umano kailanman man makakalimutan ang naiambag ni Mugabe sa kasaysayan ng bansa.

Si Mugabe ay na-confine sa Singapore noong Nobyembre matapos ang ilang taon nang pagpapagamot doon.

Maliban sa katarata ay wala namang ibang binanggit ang pamilya nito kung ano ang kaniyang karamdaman.

Read more...