PDIC nagsampa ng P1.8 Billion lawsuit sa LBC

By Den Macaranas January 04, 2016 - 04:05 PM

LBC Bank
Inquirer file photo

Kinasuhan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang mga may-ari ng nagsarang LBC Development Bank.

Sa kanilang disclosure sa pagbubukas ng Philippine Stock Exchange, sinabi ng PDIC na hinahabol nila mula sa nasabing bangko ang halagang aabot sa P1.8 Billion.

Ang nasabing halaga ay bahagi ng mga hindi nasingil na service fees bago isina-ilalim sa kontrol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at tuluyang magsara ang LBC Development Bank noong 2011.

Dahil kasapi ng PDIC, binayaran ng nasabing ahensya ang mga insured deposits ng mga kliyente ng nagsarang LBC Development Bank.

Nalugi ang nasabing bangko dahil sa mga cash advances ng subsidiary ng nasabing financial firm na LBC Express na ginamit naman para mapadali ang kanilang remittance deliveries.

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang mga dating may-ari at opisyal ng nagsarang bangko na kinabibilangan nina Juan Carlos Araneta, Santiago Araneta, Fernando Araneta, Monica Araneta, Carlos Araneta, Ma. Eliza Berenguer, Ofelia Cuevas, Apolonia Ilio, Joseph Jeffrey Rodriguez and Arlan Jurado.

Ang Makati Regional Trial Court Branch 143 naglabas na ng writ of preliminary attachment laban sa nasabing mga indibiduwal at sa parent company ng nasabing banko na LBC Development Corporation at subsidiary na LBC Express Inc.

 

TAGS: BSP, LBC, PDIC, BSP, LBC, PDIC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.