Lola, dalawang bata patay sa sunog sa Paco, Maynila

By Jan Escosio September 06, 2019 - 02:59 PM

Nasawi ang isang matandang babae at dalawang bata nang masunog ang kanilang bahay sa Paco, Maynila.

Sinabi ni Rae Sumedca ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa San Cristobal Street pasado alas-12:00 ng tanghali ng Biyernes, Sept. 6.

Aniya nasunog ang dalawang bahay na may walong paupahang kuwarto.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy hindi na nakalabas ng nasusunog na bahay ng 74-anyos na si Veronica Lopez, gayundin ng dalawang taon gulang na si Jamila Erich Miranda at pitong taong gulang na si Don France Anco.

Hindi pa tukoy ang pinag-ugatan ng sunog at inaalam pa rin ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Nabatid na 15 pamilya ang nakatira sa dalawang nasunog na bahay.

TAGS: 3 dead, fire incident, manila, paco, 3 dead, fire incident, manila, paco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.