Sina Conrado Cortes, 64, at Danilo Dela Victoria, 47, ay kapwa sumuko matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay ikukunsidera nang pugante kapag hindi sumuko sa loob ng 15 araw.
Si Cortes ay nakatulan sa kasong robbery with homicide noong 1990 at nakulong sa medium security compound ng Bilibid.
Aniya, sumuko siya para patunayang siya ay hindi nagbayad para lang makalaya sa ilalim ng GCTA noong Dec. 14, 2018.
Habang nakakulong sinabi ni Cortes na nagkapagtapos siya ng refrigeration and air conditioning repair courses sa TESDA.
Nagtrabaho pa siya sa loob bilang taga-repair ng ref at aircon at sumusweldo siya ng P250 kada araw.
Si Dela Victoria naman ay napalaya din sa parehong petsa. Siya ay nahatulan sa kasong parricide taong 1988.
Ayon kay Dela Victoria, hindi siya mayamang bilanggo, at hindi siya nagbayad para makalaya.