2 pang preso na nakalaya dahil sa GCTA law sumuko sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 02:53 PM

Dalawang pang preso na kapwa nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sumuko sa mga otoridad sa Cebu.

Sina Conrado Cortes, 64, at Danilo Dela Victoria, 47, ay kapwa sumuko matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay ikukunsidera nang pugante kapag hindi sumuko sa loob ng 15 araw.

Si Cortes ay nakatulan sa kasong robbery with homicide noong 1990 at nakulong sa medium security compound ng Bilibid.

Aniya, sumuko siya para patunayang siya ay hindi nagbayad para lang makalaya sa ilalim ng GCTA noong Dec. 14, 2018.

Habang nakakulong sinabi ni Cortes na nagkapagtapos siya ng refrigeration and air conditioning repair courses sa TESDA.

Nagtrabaho pa siya sa loob bilang taga-repair ng ref at aircon at sumusweldo siya ng P250 kada araw.

Si Dela Victoria naman ay napalaya din sa parehong petsa. Siya ay nahatulan sa kasong parricide taong 1988.

Ayon kay Dela Victoria, hindi siya mayamang bilanggo, at hindi siya nagbayad para makalaya.

TAGS: Bilibid, cebu, GCTA, Good Conduct Time Allowance, Bilibid, cebu, GCTA, Good Conduct Time Allowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.