4 na miyembro ng pamilya patay sa sunog sa Laguna

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 02:38 PM

Patay ang apat na katao sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Cubayao City, Laguna.

Naganap ang sunog madaling araw ng Biyernes, Sept. 6 sa Millwood Subdivision, Barangay Pulo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Baldomero Gayol, 54, isang insurance agent; asawa niyang si Jennifer, 47; anak nilang si Rommel, 27; at apo na si Sofia Arabella, 8 taon.

Ayon kay Cabuyao police chief Lt. Col. Zeric Soriano, ang mga labi ng biktima ay natagpuan sa banyo sa ikalawang palapag ng bahay.

Natutulog aniya ang mag-anak nang sumiklab ang apoy bago mag alas 2:00 ng madaling araw.

Sa banyo tumakbo ang mga biktima at nasawi sila dahil sa suffocation.

Maaring sa isang gamit sa bahay na naiwang nakasaksak nagsimula ang sunog.

TAGS: 4 dead, cabuyao city, Cabuyao Laguna, fire bureau, fire incident, 4 dead, cabuyao city, Cabuyao Laguna, fire bureau, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.